Gold kay Macrohon

MANILA, Philippines — Binuhat ni Kristel Macrohon ang gintong medalya sa women’s 71-kg division kahapon sa huling araw ng weighlifting event sa 30th Southeast Asian Games sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagtala ang 23-anyos na si Macrohon ang kabuuang 216-kg mula sa 93-kg sa snatch at 123-kg sa clean and jerk para maugusan ang paboritong si Thi Van Nguyen ng Vietnam, na tumapos sa silver medal sa kabuuang 214-kg sa kanyang 92-kg sa snatch at 122-kg sa clean and jerk.

Nakopo naman ng Indonesian na si Tsabitha Ramadani ang bronze medal sa kanyang total lift na 203-kg  mula sa 93-kg sa snatch at 110-kg sa clean and jerk.

“Sobra ang saya ko talaga dahil hindi ko inaasahan ito. Ang Vietnamese (Nguyen) ang No. 1 sa aming division kaya akala ko silver medal lamang ang makikuha ko,” sabi ni Macrohon sa kauna niyang pagsali sa Sea Games.

Sabi ni Macrohon na determinado rin siyang mananalo upang maigante ang talo sa kanyang teammate na si Elreen Ann Ando sa women’s 64-kg dahil sa time porfeiture noong Martes kung saan bumagsak ang Cebuano lifter sa silver medal lamang.

Dahil sa panalo ng Zamboanga City-native na si Macrohon tumapos ang host Philippines sa ikatlong puwesto sa 10-event weighlifting competition sa dalawang ginto, tatlong silvers at dalawang bronze medals.

Ayon kay Macrohon lalong matibay na siya sa pagsabak sa 2019 International Weighlifting Federation (IWF) World Cup sa Tianjin, China ngayong Disyembre 10-13.

Show comments