Gilas vs Singapore
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - December 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Gilas Pilipinas ang pagdedepensa ng titulo sa 5-on-5 men’s basketball tournament ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa pagbangga sa Singapore ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakdang sagupain ng 12-time defending champions na Gilas ang 2015 SEA Games bronze medalist sa alas-8:15 ng gabi.

Naging maganda ang pambungad na dribol ng Philippine national basketball team sa SEA Games dahil sa panalo ng 3x3 men’s at women’s team kamakalawa, kaya’t pipilitin ng Gilas na maduplika ito.

Sasandalan ni multi-titled mentor at Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa laban na ito ang mga beteranong manlalaro sa pangu-nguna ni five-time PBA MVP June Mar Fajardo kasama sina Japeth Aguilar, Troy Rosario, Kiefer Ravena at LA Tenorio.

Makakapitan din ng pambansang koponan para inaasam na ika-19 na gintong medalya sa reigional biennial meet na ito sina Stanley Pringle, Matthew Wright, Marcio Lassiter, Chris Ross, Christian Standhardinger at Vic Manuel.

Kinumpirma naman ni Gilas team manager Gabby Cui na si Barangay Ginebra center Greg Slaugther na ang papalit kay Roger Pogoy na natanggal sa line-up matapos uminda ng back injury noong PBA Governors’ Cup quarterfinals.

Nasa reserved list ang 2011 SEA Games gold medalist pero hindi ito nakasama sa Final 12 ng pambansang koponan dahil sa discolated right thumb na ininda nito noong Nobyembre pero ngayon ay ayos na ito at handa nang alalayan si Fajardo.

Samantala, pipilitin ng Gilas women’s na maduplika ang tagumpay ng 3x3 women’s sa pagsalang nito sa kanilang unang laban sa 5-on-5 women’s basketball bukas sa Mall of Asia Arena kontra Indonesia.

Pupuntiryahin nina Afril Bernardino, Janine Pontejos, Clare Castro at Jack Animam, na na-nguna rin sa gold finish medal ng 3x3 women’s, na maibalik sa podium ang Pinas na noong 2013 SEA Games nila huling nakuha.

Makakasama rin nila sina  Eunique Chan, Chack Cabinbin, Kelli Hayes, Danica Jose, Ria Joy Nabalan, Andrea Tongco, Gemma Miranda at Khate Castillo.  

 

GREG SLAUGTHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with