^
Tolentino may tiwala sa Philippine cycling team

Tolentino may tiwala sa Philippine cycling team

Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - November 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, hindi niya sigurado kung magagawang dominahin ng magkapatid na Daniel at Christopher Caluag ang BMX Flatfland at Freestyle category ng cycling event ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Naging maganda ang  kampanya ng magkapatid sa nagdaang SEA Games. Naibulsa ni Daniel ang gintong medalya sa 2013 biennial meet sa Nap-yidaw, Myanmar at 2014 Incheon Asian Games habang naiuwi naman ni Christopher ang bronze noong 2013.

Sa pagbisita ni Tolentino sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa The Amelie Hotel sa Maynila, sinabi nito na hindi niya alam kung nasa rurok pa rin ng laro si Caluag, gaya noong mga nagdaang taon.

“Aminin na natin ‘yung katotohanan, nagka-edad na tayo, medyo lumipas na. Nagka-anak na si Danny, nag-asawa na, nagbago na so, I don’t know if he is still in his prime,” sabi ni Tolentino.

Huling ipinamalas ni Caluag ang angas nito nang maibulsa nito ang bronze medal sa 2018 Jakarta-Palembang Asian Games maging sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Wala mang kasiguraduhan na papalarin ang dalawang Filipino-Ame-rican BMX riders ay ma-laki pa rin ang tiwala ng kinatawan ng 7th District ng Cavite na kakayanin na umumit ng ginto ang mga siklista mula sa road race at mountain bike.

“Sa road race malamang, laging sumasabak sa international exposure ‘yan pati ‘yung mountain bike. I don’t who will deliver the first medal. I don’t know kung sino ba ang may possibility, dagdag nito.

Dalawa lang naman ‘yung naglalaban; triathlon at cycling. Sa ngayon po, ‘yang dalawa po ‘yan babantayan po natin kung sino ang unang makaka-deliver ng gold.”

Naging mailap ang medalya para sa bansa sa sports na ito noong 2017 edition sa Kuala Lumpur nang mangulelat sa medal standing matapos komopo ng isang bronze medal lamang.

Magsisimula ang cycling sa Disyembre 1 hanggang Dec.10 na gaganapin sa Laurel at Nasugbu, Batangas at Tagaytay Centrum sa Tagaytay City.

TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with