AFP, DENR ‘di matinag sa UNTV Cup

MANILA, Philippines — Nagsaslpak si dating Letran star Boyet Bautista ng limang triples para akayin ang nagde­depensang Armed For­ces of the Philippines sa 86-84 paggupo sa Natio­nal Housing Authori­ty sa 8th UNTV Cup sa San Juan City gym.

Ito ang ikaanim na su­­nod na pananalasa ng Ca­valiers.

Tumipa ang 5-foot-6 na si Bautista ng 5-of-6 shooting sa 3-point area para tumapos na may 17 points sa 6-0 record ng AFP sa Group A.

Pinamunuan ni Jerry Lumongsod ang Cavaliers sa kanyang 19 points, habang may 15 at 11 markers nina Ro­lan­do Pascual at Romeo Almerol, ayon sa pag­ka­kasunod.

Pinalakas ng AFP ang kanilang tsansa para sa isang outright semifi­nals berth sa annual tour­nament para sa mga public servants.

Pinatumba naman ng Department of Environment and Natural Resources ang Department of Agriculture, 94-85, sa Group B sa torneong inorganisa ni UNTV Pre­sident at CEO Da­niel Ra­zon.

Dumiretso ang DE­NR Warriors sa kanilang ikaanim na dikit na ratsada sa Group B.

Samantala, humugot naman ang Malacañang-Philippine Sports Commission ng produksyon mula kina Erick dela Cuesta, Martin Antonio at Visnu Das Javier para ta­lunin ang PhilHealth, 98-81, at ilista ang 5-1 marka.

Umiskor si Dela Cuesta ng 20 points para sa Kamao at nagdagdag sina Antonio at Javier ng 16 at 15 markers, ayon sa pagkakasunod.

Show comments