^

PM Sports

Deadline sa rookie draft ini-extend ng PBA

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalawig ng PBA ang deadline nito sa aplikasyon ng mga Fil-Foreigners para sa paparating na 2019 PBA Rookie Draft hanggang sa Nobyembre 29.

Ito ay matapos ang manipis na bilang ng mga apli­kante sa original na deadline na napaso na noong Oktubre 23.

Kabuuang pitong manlalaro lamang ang nagsumite ng kanilang aplikasyon sa naturang deadline sa pa-ngu­nguna nina Roosevelt Adams, Vince Tolentino, Ad­rian Wong at Sean Manganti.

Nasa maikling listahan din sina Jason Riley, Daryl Si­ngontiko at Mark Taylor.

Siyam ang orihinal na listahan ng Fil-Foreign applicants subalit umatras sina Franky Johnson at Troy Rike upang ituon ang kanilang atensyon sa tangka ng Pilipinas na makapasok sa 2020 Tokyo Olympics sa pamamagitan ng 3x3 basketball.

Ito rin ang dahilan ng naunang desisyon ni projec­ted top overall pick Joshua Munzon na hindi muna magpa-draft ngayong taon.

Ang Fil-Am sensation sana ang projected No.1 pick sa 2019 PBA Rookie Draft.

Ang petsang Nobyembre 29 din ang deadline para sa mga lokal na manlalaro.

Nakatakda ang PBA Rookie Draft sa Disyembre 8 sa Robinson’s Place sa Ermita, Maynila na inaasahang babanderahan nina Ateneo pair Isaac Go at Thirdy Ravena.

Masusubok naman ang kilatis ng mga PBA aspirants sa gaganaping PBA Draft Combine mula Disyembre 4-5 sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong. Noong 2018 PBA Rookie Draft ay nanguna sina CJ Perez, Ray Parks Jr. at Robert Bolick bilang 1-2-3 picks.

vuukle comment

ROOKIE DRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with