Pahinga muna ang Gilas
John Bryan Ulanday (Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kanselado muna ang Gilas Pilipinas training ngayon ayon kay head coach Tim Cone upang mabigyan ng pahinga ang mga manlalarong kagagaling lang at papasok pa lamang sa krusyal na laban sa PBA.

Ito ay kahit pa papalapit na ang kampanya nila sa 30th Southeast Asian Games na nakatakda mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 dito sa bansa.

Ayon kay Cone, hindi muna sila nagsanay kahapon sa Meralco Gym dahil kagagaling lang ng ibang mga manla-laro nito mula sa Talk ‘N Text na sina RR Pogoy, Jayson Castro at Troy Rosario sa isang out-of-town PBA Governors’ Cup game sa Davao kamakalawa.

At nitong Myerkules, sasalang ulit sila sa krusyal na laban kontra sa San Miguel kung saan may manlalaro rin ang Gilas na sina Chris Ross, Marcio Lassiter at June Mar Fajardo.

Bukod pa ito sa dahilan na kagaga-ling lang din ng Ginebra sa dikit na laban kontra sa Northport nitong linggo.

Nakansela rin ang Gilas training dahil sa pag-atras ng Taiwanase ball club sa nakatakda sana nilang tune-up game ngayon bunsod ng pagkakapilay ng mga manlalaro nito.

Dahil dito, hindi aniya makakapagsanay nang maayos ang Nationals kaya’t bibigyan na lamang muna niya ng sapat na panahon upang makapagpahinga at mailaan ang atensyon sa 2019 PBA Governors’ Cup quarterfinals.

Pagkatapos ng season-ending conference QF sa susunod na linggo ay titipunin muli ni Cone ang kanyang 15-man Gilas pool para sa araw-araw nang pagsasanay papalapit sa SEA Games.

Sa Disyembre 4 hanggang 11 pa nakatakda ang SEA Games basketball sa MOA Arena sa Pasay City kung saan tatangka ang Nationals na masikwat ang ika-18 na titulo upang manatiling hari ng basketball sa rehiyon.

TIM CONE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with