Inilusot ni Meralco import Allen Durham ang kanyang layup laban kay Richard Ross ng Rain or Shine.
PM photo ni Miguel Antonio De Guzman
Painters lusot sa bolts para sa tsansa sa quarterfinals
(Pang-masa) - November 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang crossover laban kay Meralco guard An­jo Caram kasunod ang looper kontra kay import Allen Durham.

Isa lamang ito sa mga ginawang tirada ni Rey Nambatac sa dulo ng fourth quarter para ihatid ang Rain or Shine sa 83-81 pagtakas sa Meralco sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Ara­neta Coliseum.

Tumapos si Nambatac na may 24 points mula sa 10-of-13 fieldgoal shoo­ting para sa ikalawang su­nod na panalo ng Elasto Painters at ilista ang ka­nilang 4-7 record.

Natapos naman ang five-game winning streak ng Bolts, may bitbit nang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals, para sa ka­nilang 8-3 marka.

“Para sa akin puso lang talaga at nandoon ang willingness na manalo, kaya siguro nakuha na­min ang panalong ito,” sabi ni Nambatac sa pag-asa ng Rain or Shine na makasama sa eight-team quarterfinals.

Para makapasok sa quarterfinals ay kaila­ngang ipanalangin ng tropa ni coach Caloy Garcia na matalo ang NorthPort sa Barangay Ginebra at ma­bigo ang Alaska sa NLEX.

Kinuha ng Meralco ang 13-point lead, 67-54, mu­la sa split ni Raymond Almazan sa huling 2:07 minuto ng third quarter.

Naghulog naman ang Rain or Shine ng 11-0 bom­ba sa pamumuno ni­na import Richard Ross, Kris Robles at Mark Bor­bo­ran para agawin ang 71-69 bentahe sa 6:21 mi­nuto ng fourth quarter.

Naitabla Durham ang Bolts sa 71-71 at humataw naman si Nam­batac pa­ra ilayo ang Elasto Pain­ters sa 82-77 sa hu­ling 1:28 minuto ng bakbakan.

Muling nakadikit ang Meralco sa 81-82 mula sa dalawang free throws ni Durham at follow-up ni Almazan sa nalalabing 46.3 segundo.

Ang split ni big man Jewel Pon­ferada ang nagbigay sa Rain or Shine ng 83-81 abante sa nala­labing 34.3 segundo.

Ngunit nabigo naman sina Durham at Almazan na maitabla ang Bolts sa kanilang huling posesyon na sumelyo sa panalo ng Elasto Painters.

Umiskor si Ross ng 26 points para pamunuan ang Rain or Shine.

Tumipa naman si Dur­ham ng 23 markers sa pa­nig ng Meralco.

 

PAINTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with