Bakbakang Ateneo-UST
PJ Carpio (Pang-masa) - November 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magbabakbakan ang first seed Ate­neo De Manila University at ang fourth seed na University of Santo Tomas sa Game 1 ng best-of-three Finals sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Itataya ng Blue Eagles ang kanilang malinis na 14-0 baraha sa pagharap sa Growling Tigers sa alas 4:00 ng hapon.

Dumiretso ang back-to-back cham-pion na Ateneo sa Finals matapos nilang walisin ang lahat ng humarang sa kanilang daan sa elimination round.

Ito na rin ang ikaapat na sunod na Finals appearance ng Katipunan-based squad simula nang tumayong head coach si Tab Baldwin na hangad ding masungkit ang makasaysayang three-peat.

Tiyak na muling huhugot ng lakas si American-New Zealand head coach kina Ivorian bigman Ange Kouame, Thirdy Ravena, Gian Mamuyac, Isaac Go, SJ Belangel, Matt at Mike Nieto.

Sa pangunguna ni UAAP MVP Soulemane Chabi Yo, winalis ng UST Growling Tigers ang stepladder semis kabilang na ang second seed na UP Fighting Maroons 2-0.

Matapos gumapang sa stepladder semifinals ay malaking pasasalamat naman ni head coach Aldin Ayo dahil sa malayong narating ng Growling Tigers.

“Of course we are grateful that we reached this far but this is not our main goal. Talking about (fourth) finals appearance, well, it’s all about passion, passion sa laro.”

Muling ibabandera ni UST head coach Ayo sina Chabi Yo, Enzo Sunido, Rhenz Abando, Brent Paraiso, Sherwin Concepcion gayundin ang baguhan na si Mark Nonoy.

Inaasahang magiging dikdikan ang labanan lalo na’t gutom ang Tigers na ibalik ang kampeonato sa España.

 

ATENEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with