UST Tigers pasok sa finals
PJ Carpio (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumomba ng tres si Enzo Subido sa huling 23.6 segundo para takasan ng UST Growling Tigers ang UP Fighting Maroons, 68-65 sa Game 2 ng stepladder semis upang dumiretso sa Finals ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City.

Naghulog si Subido ng krusyal na tres para bawiin ang kalamangan sa 66-65 kasunod ang dalawang free throws ni Chabiyo sapat na para tulungan ang Growling Tigers na mu-ling makasampa sa Finals matapos ang apat na taon.

May tsansa sanang maktabla ang Fighting Maroons sa huling 4.4 segundo ng huling yugto ngunit sumablay ang wide-open triple ni James Spencer.

“It’s just part of the game, I took the shot kasi hindi lumapit si Bright (Akhuetie) eh, ‘yun lang, I’ve been practicing those everyday and I was confident with that shot.” saad ni Subido sa kanyang krusyal na tres.

Makakaharap ng Growling Tigers ang nag-aabang na no.1 seed Ateneo De Manila Blue Eages sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Angat pa ang UP 65-61 sa huling 1:53 minuto ng huling yugto mula sa dunk ni Kobe Paras su-balit dalawang turnovers ang nagbigay dagok sa kanila kaya nakabuwelta ang UST ng 7-0 atake tungo sa panalo.

Nasungkit ng Maroons ang unang kalamangan 59-57 mula sa Jumpshot ni Juan Gomez De Liano may 5:15 nalalabi sa fourth period.

Hindi umubra ang 16 points, 17 rebounds at apat na assist ni Bright Akhuetie gayundin ang tig-12 markers nina Jun Manzo at Ricci Rivero para katipunan-based squad na bigong muling makatungtong sa Finals.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with