NLEX walang balak bitawan ang liderato
Russell Cadayona (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa ang NorthPort sa si­nasabi ni NLEX coach Yeng Guiao na susubok sa kanilang tibay.

“We need to preserve our gains by improving our consistency and this game is a big test,” sabi ni Guiao.

Target ng Road Warriors ang kanilang ikaa­nim na sunod na pananalasa sa pagsagupa sa Batang Pier ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang bak­bakan ng Alaska Aces at Phoenix Fuel Masters sa alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Solo ng NLEX ang li­derato bitbit ang 8-1 record, habang hangad ng NorthPort na makaba­ngon mula sa two-game lo­sing skid na naghulog sa kanilang baraha sa 3-6 ka­tabla ang Alaska.

Ang No. 1, 2 3 at 4 teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals laban sa magtatapos sa No. 8, 7, 6 at 5.

“Our focus is on exe­cu­tion and trying to get better for the next round,” wi­ka ni Guiao, muling aa­sahan sina import Manny Harris, Kiefer Ravena, JR Quiñahan, Poy Erram at Je­richo Cruz, nagsalba sa 86-85 pagtakas ng Road Warriors sa nagdedepensang Magnolia Hot­shots no­ong Linggo.

Sina reinforcement Mi­chael Qualls, Christian Standhardinger, Sean An­thony, Kevin Ferrer at Garvo Lanete ang ibabandera naman ng Batang Pier ni mentor Pido Jarencio.

Samantala, puntirya na­man ng Alaska ang ka­nilang ikatlong dikit na rat­­sada kontra sa Phoenix para makapasok sa quar­ter­finals.

Ang dalawang sunod na panalo ng Aces ang nag-akyat sa kanilang ba­ra­ha sa 3-6, habang nalag­lag ang Fuel Masters sa 2-7 sa likod ng tatlong di­kit na kamalasan.

“Even if we win the next two games, may kai­­langan pa rin kaming ipag­­dasal na maka-tie. But I told the guys do not come in practice as if we have no chance,” sabi ni Phoenix coach Louie Alas.

YENG GUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with