Kai impresibo sa US high school tournament debut

MANILA, Philippines — Magilas ang naging US high school tourna­ment debut ni Filipino teen sensation Kai Sot­to matapos magtala ng double-double para sa ko­ponang The Skill Fac­tory sa pagsisimula ng Georgie Elite 8 Tip-off Classic kahapon sa McEachern High School sa Atlanta, Georgia.

Nagtala ang 7-foot-2 na si Sotto ng 18 points at 12 rebounds su­­balit ki­napos ang TSF kontra sa img Acade­my, 65-61.

Ito ang unang opis­yal na US game ni Sotto matapos ihayag kama­kalawa ng gabi ang kan­­yang commitment sa TSF na isang Junior NBA affiliate program na humahasa sa mga ba­tang manlalaro na nais makatuntong sa NBA.

Inaasahang mailalabas ng 17-anyos na si Sot­to ang buong potensyal sa TSF lalo’t su­ma­­sali rin ang koponan sa ibang prestihiyosong tor­neo katulad ng NBA Aca­demy Games at GLO­­BALJAM Gran Ca­­naria.

Ilan lamang sa pro­dukto ng TSF sina 2017 NBA MVP James Har­den ng Houston Roc­kets gayundin sina NBA All Stars Kemba Walker ng Boston Celtics at John Wall ng Washington Wizards.

Tatangkain ni Sotto na maging kauna-una­hang manlalaro na ma­kapasok sa NBA sa 2021 na maisasakatupa­ran lamang niya sa pa­ma­magitan ng pa­tuloy na pag-eensayo sa US o di kaya ay sa Europe kung saan siya may pen­ding offers sa mga si­kat na ball clubs.

Isang taon lang ang commitment ni Sotto sa TSF kaya’t bukas pa rin siya sa mga clubs na nanligaw sa kanya nga­yong taon kagaya ng Bar­­celona, Madrid, Estudiantes at Baskonia ng Spain gayundin ng Alba Berlin ng Germany.

Dating UAAP MVP, ni­lisan ni Sotto ang ban­sa noong Marso para ipag­­patuloy ang kanyang paglalakbay sa At­lan­ta, Georgia matapos gumawa ng pangalan bi­lang pinakamaga­ling na teen center sa Asya sa paggabay sa Gi­las Pi­lipinas youth sa ilang FIBA Asia podium fi­ni­shes at FIBA World Cup appearances.

Bumalik siya sa ban­sa noong Abril para sa­mahan ang Philippine youth team na nagtapos sa 14th place ng 2019 FIBA U19 World Cup sa likod ng kanyang mga averages na 11.7 points, 7.9 rebounds, 2.0 assists at 3.6 blocks.

Si Sotto rin ang naatasang mamuno sa Gilas squad na sasalang sa su­sunod na FIBA World Cup na dito gaganapin sa bansa sa 2023.

(

Show comments