Donaire hiniram ang trophy ni Inoue para sa pangako sa kanyang mga anak
Chris Co (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Emosyonal si four-time world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. nang tanggapin niya ang una­nimous decision loss kay unified world title-holder Naoya Inoue sa finals ng World Boxing Super Series bantamweight division noong Huwebes ng ga­bi sa Super Arena sa Saitama, Japan.

Natamo ng 36-an­yos Fi­l-American fighter ang 111-116, 109-117, 113-114 desisyon para isuko sa Japanese pug ang International Bo­xing Fe­deration at World Bo­xing Association super at re­gular bantamweight titles.

Maluwag namang ti­nanggap ni Donaire ang kabiguan.

Ngunit naging emos­yonal siya nang ilahad ang kaniyang mga pinag­da­anan.

Bago ang laban ay na­­ngako si Donaire sa kanyang mga anak na iuuwi niya ang Muhammad Ali trophy.

Subalit hindi ito natupad ni Donaire dahil sa kanyang pagkatalo.

Kaya naman hiniling niya kay Inoue na hiramin muna ang tropeo para ipa­kita sa kanyang mga anak.

“I came to Japan to take the Muhammad Ali tro­phy. I promised my sons they would see it in the morning.  And with tears in my eyes, I humbly asked Inoue to borrow it for a night, not for me but for my word,” ani Donaire.

Naniniwala si Donaire na malaking leksyon ang matutunan ng kanyang mga anak.

“It will be a life lesson my boys will soon learn. That you do your best and you come short. You will win.  You will lose. But in either aspect you will do so graciously. It’ll pain them to see my face.  They will kiss my wounds,” ani Donaire.

Maganda naman ang simula ni Donaire.

Nakipagsabayan siya nang husto kay Inoue sa mga unang yugto ng laban gamit ang malalakas na kumbinasyon.

Subalit mas na­ging do­minante ang mas batang Japanese bet sa mga hu­ling sandali ng laban.

Hindi sumuko si Do­naire hanggang sa huling segundo at natapos niya ang laban.

Ngunit hindi pumabor kay Donaire ang kapa­la­ran na tinanggap naman niya.

DONAIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with