Siakam iginiya ang Raptors sa panalo kontra sa Bulls

CHICAGO -- Ami­na­do si Pascal Siakam na siya ang target ng ka­nilang mga kalaban ma­tapos iwanan nina Ka­whi Leonard at Danny Green ang Toronto Rap­tors.

Kaya naman matin­ding opensa ang ibini­bigay ng fourth-year po­wer forwar.

Umiskor si Siakam ng 19 points, habang may 17 markers si OG Anunoby para tulungan ang Raptors sa 108-84 pag­­gupo sa Bulls.

Umatake ang defen­ding NBA champions sa second quarter para ku­nin ang 48-40 halftime lead at tuluyan nang iniwanan ang Chicago sa se­cond half patungo sa ka­nilang ika-10 sunod na panalo laban sa host team.

Nagposte si Siakam ng average na 28.7 points sa tatlong laro ng To­ronto.

“I can always argue if it was a foul, wasn’t a foul. But as a leader, I have to be able to not be in those situations — and be in the game,” wi­ka ng NBA Most Im­proved Player sa naka­raang season. “I’ve got to figure that out. Turnovers, obviously, it’s something new for me seeing double teams. I’ve got to find a way to not turn the ball over.”

Nagsalpak si Anunoby ng tatlong 3-poin­ters, habang humakot si Serge Ibaka ng 18 points at 7 rebounds para sa Rap­tors.

Si Fred VanVleet ay nag-ambag ng 16 points matapos matalo sa Boston Celtics noong Biyer­nes.

Binanderahan naman ni Wen­dell Carter, Jr. ang Bulls mula sa kanyang 12 points at 11 rebounds at may 11 mar­­kers si Zach LaVine.

Sa Milwaukee, umis­kor si guard Goran Dra­gic ng 25 points mula sa bench para tulungan ang Miami Heat na ma­kabangon mula sa 21-point third-quarter de­ficit at igupo si Gian­nis Antetokounmpo at ang Bucks sa overtime, 131-126.

Humakot si Anteto­kounmpo ng 29 points, 17 rebounds at 9 assists, ngunit mayroon siyang walong turnovers at na-fouled out sa huling 2:31 minuto sa overtime.

Na-fouled out din si Antetokounmpo sa pa­na­lo ng Milwaukee laban sa Houston Rockets.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 25 points para sa Bucks.

Show comments