Folayang gustong umagaw ng eksena
(Pang-masa) - October 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang ibang nasa isip si dating ONE lightweight champion Eduard “Landslide” Folayang kundi ang makabalik sa eksena.

Gagawin niya ito laban kay Amarsanaa “Spear” Tsogookhuu sa ONE: Masters of Fate sa Nobyembre 8 sa Mall of Asia Arena.

Huling nakita sa aksyon ang tinaguriang “Landslide” noong Agosto sa parehong arena kung saan siya tinalo ni American great Eddie Alvarez sa ONE lightweight Grand Prix semifinals.

“After a brief rest from my last bout, I started training immediately,” wika ni Folayang, makakasama sina stablemates Geje Eustaquio at ONE strawweight king Joshua Pacio sa pagkatawan sa Team Lakay sa ONE: Masters of Fate. “My preparations have gone well. We watched my last performance with Eddie [Alvarez] and pointed out where I did great and where I need improvements. I don’t let the past affect my present and future. I learn and move on,” dagdag pa nito.

Nauna nang dinomina ni Folayang si Alvarez sa round one, ngunit nakasilip ng pagkakataon ang American para sa isang submission victory.

Sinabi ng Team Lakay veteran na mas tinututukan niya ngayon ang kanyang wrestling skills para talunin si Tsogookhuu.

EDUARD FOLAYANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with