William Ramirez
Ramirez tiwala sa Team Philippines
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malaki ang tiwala ni Philippine Sports Commission (PSC) William “Butch” Ramirez na kakayanin ng mga Pilipinong atleta ngayon na alpasan ang naging kampanya ng Pinas noong 2005 edition ng Southeast Asian (SEA) Games na ginanap dito sa bansa.

Taong 2005 pa nang huling makatikim ng overall title ang bansa sa regional biennial sporting event na ito kung saan may kabuuang 290 na medalya-- 112 gold, 85 silver at 93 bronze-- sa 40 na sports na nilahukan ng Phl Team.

Mula 2005 ay hindi na nakatungtong sa top three ng medal tally ang bansa at nagkasya na lamang ito sa ikaanim na puwesto sa huling dalawang edisyon nito noong 2015 sa Singapore at 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“I believe we will surpass that, we cannot duplicate the 2005 (SEA Games), we have to surpass the 2005,”  sabi ni Ramirez sa pagbisita nito sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa The Amelie Hotel, Malate, Manila.

Kumpiyansa rin si Ramirez na kayang panindigan ng mga atleta ang kanilang ipinangako na hindi nila ipapahiya ang watawat at ibubulsa ang nararapat na tagumpay para sa bansa kahit ano pang medalya ang sikwatin ng mga ito.

Bukod dito ay malaking tulong din aniya para sa mga atleta ngayon ang cash incentives na natatanggap nila mula sa pamahalaan sa tuwing magtatagumpay ito sa mga international tourney na kanilang sinasalihan.

Titipunin din ng komisyon ang ilang sa mga atleta ngayong Nobyembre 14, higit dalawang linggo bago opisyal na magbukas ang SEA Games sa Nobyembre 30, para sa isang pep rally at may mga atletang magsasalita para magbigay insipirasyon sa kanila.

“There are some athletes that we will talk to inspire them, like Lydia de Vega and Elma Muros and I think it will be a festive. Bamboo will also perform a music that will inspire all of us,” dagdag ni Ramirez.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with