Greenies pasok sa semis
Francisco Cagape (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inangkin ng College of St. Benilde-LSGH Greenies ang huling semifinal berth matapos patalsikin ang Arellano Braves, 66-52 kahapon sa kanilang knockout playoff sa Season 95 NCAA Juniors Basketball Tournament sa The Arena sa San Juan City.

Umani si rookie Jan Manansala ng 13 puntos, walong rebounds at dalawang blocks para pumasok uli sa Final Four.

Makaharap ng Greenies ang top seed na San Beda Red Cubs sa unang semis match kung saan tangan ng Mendiola-based SBU ang twice-to-beat na bentahe.

Sa iba pang semis match, magtatagpo naman ang second seed Lyceum Junior Pirates at pumapangatlong San Sebastian Stagles sa ala-1 ng hapon.

Hawak naman ng Junior Pirates ang ikalawang twice-to-beat advantage.

Gamit ang mahigpit na depensa, pinuwersa ng Greenies ang Braves ng 21 turnovers na kanilang naikasa sa ma-laking 21 puntos kaya naitala nila ang malaking 27 puntos bentahe, 57-30 pagkatapos ng ikatlong yugto.

Inaasahan ngayon ng CSB-LSGH na maulit ang pangyayari sa nakalipas na dalawang taon kung saan dumaan din sila sa playoff para sa huling semis slot bago inilampaso ang Mapua Red Cubs sa Finals upang masungkit ang kanilang unang titulo sa juniors’ division.

Sa iba pang laro, kinumpleto ng Red Cubs ang kanilang elimination round assignments sa pamamagitan ng muling pagpadapa sa Emilio Aguinaldo Brigadiers, 73-64 upang tumapos sa 6-12 card at ibaon ang San Marcelino-based EAC sa 2-16 slate.  

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with