^

Bradley extended sa Wizards

(Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

WASHINGTON — Pinirmahan ni star guard Bradley Beal ang alok ng Wizards na two-year contract extension na nagkakahalaga ng halos $72 milyon.

Dahil dito ay makakatiyak ang Washington na hindi susubok ang kanilang All-Star guard sa free agency sa susunod na tatlong taon.

“It’s a blessing, man — for one, that they even consider me a franchise player, a piece of this organization in itself,” wika ni Beal sa isang news conference. “And I was prideful of that. You don’t get that type of love and respect and responsibility from anywhere.”

May dalawang taon pang natitira si Beal sa kanyang kasalukuyang kontrata na naglalaman ng isang player option para sa 2021.

Handa ang Wizards na bigyan si Beal ng isang three-year extension na nagkakahalaga ng halos $111 milyon.

Ngunit mas pinili ni Beal na lagdaan ang two-year deal para protekthan ang kanyang future options.

Si Beal ay isang elite scorer kung saan siya No. 12 sa liga noong nakaraang season sa kanyang career-best na 25.6 points per game.

BRADLEY BEAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with