San Juan nalo sa Valenzuela
(Pang-masa) - October 17, 2019 - 12:00am

Bumalikwas ang San Juan Knights mula sa kabi-guan, habang binigo ng Caloocan Supremos ang Manila Stars sa Mahar-lika Pilipinas Basketball League Lakan Season kamakalawa ng gabi sa Caloocan Sports Complex.

Nagsalpak si veteran sniper John Wilson ng game-high 20 points na kinatampukan ng apat na triples para igiya ang Knights sa 78-68 paggupo sa Valenzuela SPV Top Marketplace Classic.

Napanatili ng San Juan ang paghawak sa top spot sa North division at mabawi ang overall lead sa 31-team field bitbit ang 16-2 record.

Sinamantala naman ng Supremos ang kakulangan sa players ng Stars para kunin ang 65-72 panalo.

Ang Supremos ay umakyat sa sixth place hawak ang 11-8 baraha.

Pinatumba naman ng Parañaque Patriots ang Biñan City Laguna Heroes, 73-70 para sa kanilang 7-12 marka.

CALOOCAN SPORTS COMPLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with