^

PM Sports

PetroGazz puntirya ang semifinals

Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ng PetroGazz Angels na madagit ang ikatlong upuan sa semifinals habang tangka naman ng Creamline Cool Smashers na maiposte ang ika-14 panalo sa pagbangga nila sa kani-kanilang kalaban sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap sa tampok na laro ang Gazz Angels at Philippine Air Force Lady Jet Spikers sa alas-6 ng gabi matapos ang harapang Cool Smashers at PacificTown-Army Lady Troopers sa alas-4 ng hapon.

Bigo ang 2019 Reinforced Conference titlist na madagit ang ikatlong semis spot ng torneo matapos silang tapusin ng Creamline sa apat na sets, 21-25, 24-26, 25-19, 18-25 sa pagdayo ng liga sa Bacolod City noong Linggo.

Hindi napigilan ng Gazz Angels ang mainit na laro  nina Jema Galanza at Michele Gumabao na nagpadulas sa kanila sa ikatlong puwesto ng standings tangan ang 9-4 na baraha.

Sasandal uli ang Gazz Angels, kina Paneng Mercado, Jovielyn Prado, Jeanette Panaga, Chie Saet, Cherry Nunag at Cienne Cruz para tapatan ang mas kumpiyansang Lady Jet Spikers sa pangunguna nina Dell Palomata, Angel Antipuesto, May-ann Pantino, Joy Cases, Wendy Semana at Abi Nuval.

Samantala, hindi man nakapaglaro sa out-of-town game si  Alyssa Valdez, humarurot pa rin ang Cool Smashers para itarak ang malinis na 13-0 na win-loss record sa All-Filipino tourney na ito.

Kinarga nina Galanza at Gumabao ang defending champions sa tuluy-tuloy na ratsada at muling niragasa ang PetroGazz, gaya ng kanilang ginawa sa first round encounter nila noong Agosto 24, 25-19, 28-26, 25-20.

Ipaparada muli ng Creamline sina Galanza at Gumabao kasama sina Jia Morada, Risa Sato, Ced Domingo, Pau Soriano, Kyle Atienza para mu-ling padapain ang Lady Troopers nina Royse Tubino, Jovelyn Gonzaga, Ging Balse-Pabayo, Nene Bautista, Luth Malaluan at Angela Nunag. (FJ)

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with