^

PM Sports

2-goldS sa isang araw

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Memorable day ang nakaraang araw kung saan ilang oras lang ang at dalawang atletang Pilipino ang nagpamalas ng kakaibang galing at tinanghal na world champs.

Pinabilib ni Carlos Yulo ang lahat ng manonood at pinataob ang lahat ng kalaban upang sungkutin ang gold medal sa men’s floor exercise sa Gymnastics World Championship sa Sttutgart, Germany.

Sa Russia naman ay tinalo ni Nesthy Petecio ang pambato ng host country sa finale ng kanilang weight category sa AIBA Women’s World Championships.

At nagbunyi ang bayan habang ninanamnam ang proud sporting moment na ito.

Kasama dito ang panggigigil sa darating na 2020 Tokyo Olympics kung saan asam ang kaparehong shining moment na magbibigay sa bansa ng kauna-unahang medalyang ginto sa quadrennial games.

Isang taong sakripisyo at tiyaga na lamang at maaaring hindi isa o dalawa lamang ang masungkit ng atletang Pilipino sa Tokyo Games.

Dahil nandiyan si Yulo, Petecio at isa pa, si 2016 silver medal winner Hidilyn Diaz.

Of course, kailangan pa sa karamihan ng pambato natin na lumusot sa Olympic qualifiers o makamit ang qualifying standards. Kasama sa umaasam nito si Diaz.

Ngunit kay Yulo pa lamang ay mukhang may malaki talagang bagay na maaasahan.

Nariyan ang kanyang talento. Kailangan na lamang ay ang tamang pag-aalaga, proper training, nutrition at pag-iingat.

Personal kong namalas ang performance niya sa floor exercise finals sa 2018 Jakarta Asian Games finals. Mahinang klase ang kanyang ipinakita roon, pero lintik na improvement naman ang kanyang pinasabog sa Sttutgart.

Sana ay hindi pa iyon ang pinakamaganda niyang puwedeng ipakita. Nawa’y magpamalas pa siya ng mas maganda tungo sa pagsungkit ng mailap na Olympic gold medal.

vuukle comment

AIBA WOMEN’S WORLD CHAMPIONSHIPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with