Alaska nakatikim ng panalo
(Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Kasabay ng pagbabalik ni guard Jeron Teng mula sa hamstring injury ay ang pagpasok ng Alaska sa win column matapos ang 0-5 panimula.

Nalampasan ng Aces ang pagbangon ng Rain or Shine Elasto Painters mula sa 12-point deficit para kunin ang 78-71 panalo at buhayin ang kanilang tsansa sa quarterfinal round ng 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang unang panalo ng Alaska sa kanilang anim na asignatura, samantalang nahulog naman ang Rain or Shine sa ikaapat na sunod nilang kamalasan sa anim na laban.

“Siyempre. we just wanted this win badly,” sabi ni Teng na kumolekta ng 18 points, 9 rebounds, 2 assists at 1 block. “All the players really worked hard for this. We really pushed ourselves hard to get this win.”

Isinara ng Aces ang first half sa 40-35 patungo sa pagtatala ng 12-point lead, 62-50 matapos makumpleto ni import Franko House ang kanyang three-point play sa huling 2:25 minuto ng third period.

Nakabalik naman sa laro ang Elasto Painters sa likod ni import Kayel Locke at big man Beau Belga para sa kanilang 68-72 agwat sa nalalabing 1:10 minuto ng fourth quarter.

Ngunit ang floater ni Teng ang muling nag-angat sa Alaska sa 74-68 sa huling 57.4 segundo na sinundan ng basket ni Locke para idikit ang Rain or Shine sa 70-74 sa natitirang 47.1 segundo.

Ang layup ni JVee Casio mula sa inbound pass ni Teng kasunod ang dalawang free throws ni Simon Enciso ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Aces.

Hindi pa rin naglalaro para sa tropa ni coach Jeffrey Cariaso ang mga injured na sina Kevin Racal, Maverick Ahanmisi at Noy Baclao. (RCadayona)

 

ALASKA 78 - House 22, Teng 18, Enciso 9, Manuel 9, Banchero 7, Ayaay 6, Tratter 5, Casio 2, Thoss 0, Galliguez 0.

Rain or Shine 71 - Locke 25, Borboran 9, Daquioag 9, Nambatac 7, Ponferada 5, Rosales 5, Belga 5, Mocon 3, Torres 2, Onwubere 1, Exciminiano 0, Alejandro 0, Norwood 0.

Quarterscores:18-11; 40-35; 62-52; 78-71.

 

ALASKA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with