BanKo Perlas sa semis na
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Dumaan sa butas ng karayom ang BanKo Perlas Spikers bago makopo ang ikalawang upuan sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference matapos takasan ang determinadong PacificTown-Army Lady Troopers, 25-27, 25-20, 25-22, 21-25 15-9 kahapon sa University of Saint La Salle Coliseum sa Bacolod City.

Naiposte ng Perlas Spikers ang ika-10 tagumpay sa 15 asignatura na nagluklok sa kanila sa semis kung saan nauna na ang defending champions na Creamline Cool Smashers.

Umariba si veteran middle blocker Sue Roces para pangunahan ang Perlas Spikers sa kanyang 20 puntos, kabilang na ang dalawang blocks at dalawang aces habang tumipak ng 18 marka, 12 digs at 9 na receptions si Dzi Gervacio.

Nagparamdam din si team captain Nicole Tiamzon na pumalo ng 17 attacks at 10 digs habang may 30 excellent sets si Jem Ferrer sa larong tumagal ng dalawang oras at 19 minuto.

Pinangunahann ni Honey Royse Tubino ang Lady Troopers nang tumipak ito ng 21 puntos at 7 digs at si national team member Jovelyn Gonzaga na may 20 marka, 27 digs at 13 receptions.

Dumulas sa 6-7 na win-loss record ang PacificTown-Army at nasa ilalim sila ngayon ng Motolite na nasa ikaapat na puwesto ng leaderboard tangan ang 9-5 karta.

Sa sumunod na laro, na-panatili ng defending champions na Creamline Cool Smashers ang malinis na 13-0 na baraha sa liga nang padapain nito ang PetroGazz Angels sa bisa ng apat na sets, 25-21, 26-24, 19-25, 25-18.

Hindi naging problema ng Creamline ang muling pagkawala ni Alyssa Valdez matapos sumakit muli ang kanyang right ankle.  

PVL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with