Ateneo malinis pa rin
(Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muli na namang rumatsada si Thirdy Ravena at ang Ateneo De Manila Blue Eagles na-survive ang paghahabol ng Adamson Soaring Falcons tungo sa 80-74 panalo sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagrehistro si Ravena ng 23 puntos, apat na rebounds, limang steals para sa Blue Eagles na nakalapit sa Final 4 at nanatiling buhay ang tsansa sa asam na mahirap na sweep kasabay ng pagbaba sa Adamson sa 3-6.

“Well obviously Adamson came with a real fire, and great game plan and they did a great a job. they played  40 minutes of really tough basketball.” wika ni coach Tab Baldwin.

Pinangunahan ni Ra-vena ang 13-2 ratsada ng Blue Eagles sa third quarter upang makuha ang 13-point lead, 63-50.

Ang 67-52 kalama-ngan ng Blue Eagles ay ibinaba ng Falcons sa 74-77 sa basket ni Joshua Yerro na naka-steal kay Gian Mamuyac, may 8.9 segundo ang nalalabi.

Ngunit nanatili ang composure ng Ateneo at nakahugot ng foul si Matt Nietto sa inbound play para sa kanyang dalawang free-trows upang masiguro ang tagumpay.

Sa ikalawang laro, balik win-column ang UST Growling Tigers matapos nitong lapain ang UE Red Warriors, 101-73 upang kumapit sa solo third spot hawak ang 5-4 record win-loss record.

Maagang nagliyab ang opensa ng UST para hawakan 55-29 lead sa first half na lumobo sa 34-point lead, 72-38 sa ikatlong yugto mula sa tatlong-sunod na triples ni Zach Huang, may 4:59 ang nalalabi para ibaba ang bikti-mang East sa 3-6 marka.

Sa opening game, nagpasabog naman ng back-to-back tres sa overtime period sina Dave Ildefonso at Clemente upang isalba ang NU Bulldogs kontra FEU Tamaraws, 85-79 pagsungkit sa ikalawang panalo sa siyam na laro. (PJCarpio)

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with