Rosario, Pogoy umuusok
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - October 4, 2019 - 12:00am

Hindi maiiwasan ang magtaka kung bakit kung anong sama ng three-point shooting nina Troy Rosario at RR Pogoy noong FIBA World Cup ay siya namang ganda ng kanilang ibinabato sa kanilang pagbabalik sa TNT KaTropa sa PBA.

“Sana nung World Cup ganun ‘no?” ani Pogoy sa kanyang panghihinayang sa hindi paglabas ng kanyang shooting kung kailan kailangang-kailangan sa China WC.

Nasa 25 percent lamang ang personal na three-point shooting ni Pogoy sa World Cup at nasa ganoong percentage lang din ang tikada ng buong Gilas team.

Sa kanilang unang tatlong laro sa PBA Governors Cup, umuusok na 12-of-17 ang tirada ni Rosario at 8-of-13 ang kay Pogoy.

At dahil din sa ganda ng ipinakikita ni Jayson Castro at KJ McDaniels, 3-0 ang mainit na simula ng KaTropa sa torneo.

Pero kahit na umaarangkada sa PBA, lalong ramdam ni Pogoy ang panghihinayang kung bakit hindi naipakita ang parehong performance sa World Cup.

“Nakaka-disappoint, sobrang pangit ng shooting ko sa World Cup at dito maganda,” ani Pogoy.

Naipaliwanag na rin naman ng mga coaches kung bakit ganon ang nangyayari sa shooting ng mga Filipino players kapag katapat na ang mga world-class teams.

Dahil mahahaba ang kalaban, mahaba ang kanilang depensa at nababago ang tirada ng mga Filipino players bagay na ‘di regular sa kanilang laging nahaharap sa PBA.

Dito lumalabas ang pangangailangan ng exposure sa international tournaments para masanay ang mga manlalaro natin kung paano laruin ang malalaking kalaban.

At dahil ka-size lang natin ang haharapin ng Gilas sa parating na SEA Games, wala akong dudang mananalasa sina June Mar Fajardo at kanyang mga kasama. Lalabas ang shooting ni Pogoy at Rosario.

FIBA WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with