Marinero sa finals
JBulanday (Pang-masa) - September 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Swak na sa Finals ang Marinerong Pilipino matapos walisin ang TIP habang nakapuwersa naman ng rubber match ang CEU kontra sa St. Clare para sa isa pang Finals tiket sa umaatikabong 2019 PBA D-League Foundation Cup Final Four kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Pinauwi ng Skippers ang TIP, 96-79 upang maging unang koponang makasampa sa Finals na magsisimula na sa Lunes.

Hindi naman puma-yag na malaglag din ang Scorpions matapos itong gumanti sa Saints, 83-68  upang makahirit ng do-or-die Game Three ngayong Huwebes para sa karapatang makaharap ang Ma-rinero sa championship.

Nanguna sa Marinero ang bagong saltang si Byron Villarias na nagpaka-wala ng pitong tres tungo sa 25 puntos habang umalalay sa kanya sina Jhonard Clarito, William McAloney at Santi Santillan na may 13, 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sa panig naman ng CEU na muling pinatunayan ang puso nito kapara ng runner-up fi-nish nito noong nakaraang conference sa kabila ng 7-man line up lamang ay trumangko si Maodo Malick Diouf sa nailistang 20 puntos, 16 rebounds, pitong assists, anim na steals at tatlong suapalpal.

PBA D-LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with