5-0 sa Ateneo
PJ Carpio (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumayod sina Ange Kouame at Gian Mamu-yac sa first half upang ilayo ang back-to-back champion Ateneo Blue Eagles tungo sa pagdagit sa NU Bulldogs, 71-50 at itala ang kanilang ika-limang sunod na panalo na nagpakapit sa kanila sa solo liderato sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament na nagpatuloy sa Ynares Center sa Antipolo City.

Umiskor ng walo sa kanyang kabuuang 13-points si Mamuyac sa first quarter upang mitsa-han ang mainit na ratsada ng Ateneo na tinapos ang unang quarter sa 20-11. Kinumplimentuhan ito ni Kouame na siya namang bumandera sa ikalawang quarter para sa 41-24 kalamangan ng Blue Eagles sa halftime.

Tumapos si Kouame ng 15 puntos, 13 rebounds, dalawang assists at pitong supalpal habang may 13 puntos  si Mamuyac upang ipalasap sa NU Bulldogs ang ikalimang sunod na talo para mabaon sa kulelet na posisyon.

Nagtangkang mag-habol ang National U sa ikatlong quarter at nakalapit ng hanggang 12 puntos, 49-37 ngunit agad itong nasawata ng Ateneo na lumamang pa ng hanggang 25 puntos sa  65-40 patungo sa huling apat na minuto ng laro mula sa baskert ni Adrian Wong.

“It was a good game for the team. We competed in the first quarter up until the last minute. I give credit to them because they pressure and they presented problems really tough for us. We tried to keep improving, keep the same energy, keep going in the game,” pahayag ni Kouame.

Binura naman ng UST Growling Tigers ang 12 point deficit tungo  sa 82-74 panalo kontra sa FEU Tamaraws, 82-74 para manatili sa ikatlong puwesto (4-2).

 

ATENEO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with