Gilas Women’s team malapit na ring sumalang
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang Gilas Pilipinas men sa 2019 FIBA World Cup, panahon naman ng Gilas Pilipinas women upang ibandera ang bansa sa nalalapit na 2019 FIBA Asia Women’s Cup sa Bengaluru, India.

Inanunsiyo na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kamakalawa ang 12-wo-man roster na bubuo sa Philippine cagebelles sa prestihiyosong torneo na lalarga nitong Setyembre 24-29.

Bibida sa Nationals sa kanyang unang FIBA tournament si Fil-Am forward Kelli Hayes kasama ang iba pang bagitong sina Eunique Chan, Ria Nabalan, Bea Daez at Katrina Castillo.

Sasamahan sila ng mga beteranong sina Jack Animam, Gemma Miranda, France Mae Cabinbin, Danica Jose, Marizee Andrea Tongco, Janine Pontejos at Afril Bernardino para sa misyong mahiganti kahit paano ang kalimut-limot na 32nd place finish ng Gilas men sa katatapos lang na World Cup sa China.

Bagama’t naglaro na sa William Jones Cup noong nakaraang Hulyo at kasalukuyan naglalaro sa kanyang una’t huling taon sa NU sa idinaraos na 82nd UAAP women’s basketball tournament, ito ang unang FIBA-sanctioned competition ng 23-anyos na si Hayes.

 

 

 

 

GILAS WOMEN’S TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with