Hindi pinalusot ni Glenn Khobuntin ng Columbian si Alaska import Justin Watts.
PM photo ni Joey Mendoza
Dyip sinalpok ang Alaska Aces
Russell Cadayona (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kaagad ipinakilala ni import Khapri Alston ang kanyang sarili.

Nagposte ang 6-foot-3 na si Alston ng 38 points, 22 rebounds, 4 assists at 3 steals para aka­­yin ang Columbian sa 117-110 pag­giba sa Alas­ka sa pagsisimula ng 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa MOA Are­na sa Pasay City.

“Iyon ang wala namin, a player who could go to the post, a passer, and a smart guy,” sabi ni coach Johnedel Cardel kay Alston.

Nagdagdag si No. 1 overall pick at Gilas Pi­lipinas standout CJ Pe­rez ng 28 markers at 13 boards para sa unang panalo ng Dyip.

Bigo naman si Jeffrey Cariaso sa kanyang debut bilang bagong head coach ng Aces.

Mula sa 56-56 pagtatabla sa halftime ay hu­ma­taw ang Columbian sa third quarter para kunin ang 78-71 bentahe.

Ang three-point play ni Alston ang nagpalobo sa kanilang 90-77 kala­mangan sa huling 47.8 segundo ng naturang yug­to.

Nakalapit naman ang Alaska sa 96-102 sa pa­ngunguna ni import Justin Watts sa huling 5:08 minuto ng final canto.

Muling nakadikit ang Aces sa 101-107 mula sa tirada ni Abu Tratter sa natitirang 1:25 minuto ng laro.

Ngunit ang dalawang free throws ni Perez at isang fastbreak basket ni Glenn Khobuntin ang muling naglayo sa Dyip sa 111-104 sa huling 56.3 segundo para selyuhan ang kanilang panalo.

Nag-ambag si Kho­buntin ng 16 points kasu­nod ang tig-11 markers ni­na Rashawn McCarthy at Juami Tiongson para sa Columbian.

Pinamunuan ni Watts ang Alaska mula sa kanyang game-high na 40 points at nagdagdag ng tig-14 at 11 markers sina Tratter, Vic Manuel at Si­mon Enciso, ayon sa pag­kakasunod.

Samantala, sisimulan ng Magnolia ang ka­ni­lang pagdedepensa sa ko­­rona sa pagsagupa sa Meralco ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang pagtutuos ng Phoenix at NLEX sa alas-4:30 ng ha­­pon sa Smart Araneta Co­liseum.

ALASKA ACES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with