PSL Invitationals pinaiksi
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi gaya ng All-Filipino Conference, mas maiksi ang tatakbuhin ng Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference ngayon para bigyang daan ang paghahanda ng Pinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Magsisimula ang panibagong conference ng liga ngayong Setyembre 24 at tatagal lamang ito hanggang Oktubre 17 ngunit ang opening ceremony ay gagawin sa Setyembre 28.

Maghaharap sa first round ng eliminations ang mga koponan sa Pool A na Cignal, Foton, PLDT at Sta. Lucia habang nasa Pool B naman ang F2 Logistics, Petron, Generika-Ayala at Marinerang Pilipina at pagdating ng next round ay babalasahin ang mga ito.

Wala nang quarterfinals kaya’t sa knockout semis mag-uupakan ang Rank 1 at Rank 4 at ang Rank 2 at Rank 3 at ang dalawang mananalo rito ay didiretso sa One Game Finals.

“Our Invitational Conference this year will only have 10 playing days with 20 matches, so very short lang talaga. There are no more quarterfinals at ang semifinals namin ay knockout at ang Finals natin ay one game lang,” sabi ni Venue Director Ginio Panganiban sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Amelie Hotel sa Maynila.

Hindi na rin gagawin ang nakasanayang pag-iimbita ng ilang foreign teams pagpasok ng semifinals ng Invitational pero magkakaroon ng PSL Super Cup kung saan apat na koponan ang magpapagalingan kabilang na ang national team.

Makakaharap ng Philippine women’s volleyball national team ang dalawang PSL teams na galing sa iba’t ibang koponan at ang foreign guest team mula sa University of Fukuba sa Japan na papalo sa Nobyembre 5, 7, at 9.

Ang PSL din ang napiling mag-host para second leg ng 2019 Southeast Asian Grand Prix na gagawin sa  Sta. Rosa, Laguna sa Oct. 4-6.

PHILIPPINE SUPERLIGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with