Bawi na lang tayo
JBulanday (Pang-masa) - September 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tapos na ang masalimuot na kampanya ng Gilas Pilipinas sa idinaraos na 2019 FIBA World Cup sa China.

Ito ay bunsod ng 75-95 na kabiguan kontra sa Asian rival na Iran kamakalawa ng gabi sa Beijing sa pagtatapos ng classification round sa 32- team world basketball meet.

Taliwas naman sa unang apat na laban nito, maganda ang naging simula ng Gilas nang makadikit pa sa 24-25 bago tabunan ng Iran sa second quarter upang maiwan ng hanggang sa 34-48 papasok ng halftime.

Hindi na nakabangon pa ang Gilas buhat doon tu-ngo sa masaklap na 20-puntos na kabiguan.

Nanguna sa Nationals si Robert Bolick na may 15 puntos, nagdagdag din ng 12 puntos at limang rebounds si Andray Blatche habang may 10 markers si June Mar Fajardo subalit kulang pa rin ito upang madala ang koponan sa unang panalo.

Dahil sa mga kabiguan din kontra sa Italy, Serbia at Angola sa Pool D gayundin sa Group N classification kontra sa Tunisia, bokya ang Gilas sa 0-5 baraha sa World Cup at nanganganib na magtapos sa kulelat at ika-32 puwesto.

Makakaiwas sa 32nd place finish ang Gilas na may -147 point differential kung matatalo rin ang isa pang winless team na Jordan kontra sa Senegal ng higit pa sa 16 puntos sa huling classification match.

Sa ngayon kasi ay may -132 point differential ang Jordan. Nagaganap ang laban ng Jordan at Senegal habang isinusulat ang balitang ito.

Sa kabilang banda, nanguna naman sina veterans Hammed Haddadi, Nikkhah Bahrami at Mohammad Jamshidi na may 19, 17 at 16 markers, ayon sa pagkakasunod para sa Iran na nagtapos sa 2-3 baraha.

Ang panalong ito ang nagtulak din sa Iran upang maging Best Asian team sa World Cup para sa tiket papuntang 2020 Tokyo Olympics.

Bigo ang China na masikwat ang naturang tiket dahil sa krusyal na 73-86 kabiguan nito kontra sa Nigeria kamakalawa ng gabi upang maging Best African team at pupuunta rin sa Olympics.

FIBA WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with