^

PM Sports

Red Lions winalis ang first round

Francisco Cagape - Pang-masa
Red Lions winalis ang first round
Idiniretso ni Calvin Oftana ng San Beda ang kanyang layup laban kay Warren Bonifacio ng Mapua.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Pinataob ng San Beda ang Mapua, 69-60, upang walisin ang first round, habang nilampaso ng Let­ran ang St. Benilde, 88-64, sa Season 95 NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Muling nagpamalas si Calvin Oftana ng double-double figures sa kanyang 24 points at 12 rebounds bukod pa ang 5g assists at 2 steals upang makamit ng Red Lions ang pang-siyam na sunod na panalo at mapanatili ang malinis na 9-0 kartada.

Nagdagdag ng tig-10 markers sina James Kwe­­kuteye at Donald Tan­­koua para lumapit sa asam na ‘four-peat’ at pang-23 korona para sa Mendiola-based team.

Hindi naman nagpa­hu­li ang Knights at nagpakawala ng 12-1 atake sa umpisa pa lamang ng laro at mula doon ay hindi na binitiwan pa ang bentahe patungo sa pagsungkit sa 88-64 panalo kontra sa Blazers.

Ito ang kanilang pang-anim na panalo sa siyam na laro.

Umabot pa sa 30 puntos ang kalamangan ng Letran, 85-55, mula sa dalawang sunod na triples nina Jerrick Balanza at Jeo Ambohot para sa kumpletong dominasyon sa huling laro ng first round elimination.

Sa panalo ng Letran sa St. Benilde ay nagtapos ang first round sa three-way sa ikalawang puwesto kasama ang Lyceum sa parehong 6-3 kartada.

Posible pang humantong sa four-way tie sa se­cond spot kung magwawagi ang San Sebastian laban sa Arellano sa huling laro.

Ang Stags at Chiefs ay naglalaro pa habang sinusulat ito.

“Aside from the win, gumanda ‘yung ranking natin, pero mas masaya akong nailabas namin ‘yung laro naming hinahanap ko dati pa. Sana peak na nga kami. Alam naman natin na mahaba pa ang liga, but we’re prepared for that,” sabi ni Letran coach Bonnie Tan.

 

 

vuukle comment

RED LIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with