^

PM Sports

Laban lang Gilas Pilipinas

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Laban lang Gilas Pilipinas

MANILA, Philippines — Nagkaharap ang Gilas Pilipinas at Australian team na Adelaide 36ers ka­hapon, isang araw bago ang inaabangang tune-up game nila bukas sa Meralco Gym bilang bahagi ng pinal na paghahanda ng Nationals sa nalalapit na 2019 FIBA World Cup.

Nakadaupang palad ng koponan ang mga Aus­sies sa ginanap na sendoff press conference ng Gilas na inihanda nina Sa­­mahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman Eme­­­ritus Manny V. Pa­ngi­­linan at president Al Pan­­lilio.

Bukod sa dalawang high-ranking SBP officials ay nasa seremonya rin si PBA Commissioner Willie Marcial, Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao at ang kanyang mga manlalaro gayundin si dating PBA import at nga­yon ay 36ers coach Joey Wright kasama ang kanyang mga players.

“We ancitipate good games against Adelaide 36ers. They play high qua­lity basketball, world-class basketball. This will be a big help to our pre­pa­rations,” ani Guiao.

Magaganap ang nasa­bing friendly games sa pa­gitan ng Gilas at NBL champion team na Ade­laide bukas at sa Linggo na magi­ging batayan ni Guiao sa pagpili ng kanyang Final 12 line-up pa­ra sa World Cup na na­­katakda sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa Foshan, China.

“We look forward to hel­ping you guys prepare. That’s what we’re here for,” wika naman ni Wright na nagsilbing import dati ng Presto.

Kabilang sa pagpipi­lian ni Guiao ay ang kanyang training pool mem­bers na sina Andray Blatche, June Mar Fajar­do, Troy Rosario, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, RR Pogoy, Paul Lee, Mark Barroca, Christian Standhardinger, Beau Bel­­ga, Kiefer Ravena, Ray­mond Almazan, Ro­bert Bolick at CJ Perez.

Umaasa naman ang ko­­ponan na gagaling sa tak­­dang oras ang mga pilay na iba pang miyembro ng pool na sina Marcio Lassiter (MCL sprain), Matthew Wright (ankle) at JP Erram (ankle).

Ihahayag ni Guiao ang kanyang Final 12 ma­tapos ang pares ng scrimmages kontra sa Ade­laide bagama’t nagpa­hiwatig na may anim na manla­laro na ang sigurado sa pu­westo.

Magsasanay pa ng ilang araw sa bansa ang Gi­las bago lumipad sa Agosto 29 patungong Chi­na kung saan mapa­pa­laban sila kontra sa Ser­bia, Italy at Angola sa bigating Group B. 

vuukle comment

2019 FIBA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with