^

PM Sports

Beermen tinapos ang Texters sa game six

Russell Cadayona - Pang-masa
Beermen tinapos ang Texters sa game six
Inipit nina Yousef Taha at RR Pogoy ng TNT Ka­tropa si San Miguel import Chris McCullough sa Game Six kagabi.
PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Wala nang itinakdang Game Seven bukas.

Tuluyan nang tinapos ng San Miguel ang kanilang championship series ng TNT Katropa matapos kunin ang Game Six, 102-90, para pagharian ang 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa mainit na Smart Araneta Coliseum.

Itiniklop ng Beermen ang best-of-seven titular showdown nila ng Tropang Texters sa 4-2.

Ito ang pang-27 korona ng San Miguel para puntiryahin ang PBA Grand Slam matapos maghari sa nakaraang 2019 Philippine Cup sa pang-limang sunod na taon.

“Thankful kami at nakuha namin ito. Hindi ganoon kadali ang dinaanan namin,” sabi ni five-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Nagtapos sa No. 7 ang tropa ni Fajardo sa elimination round bago nakapasok sa semifinals series kung saan nila sinibak ang No. 2 NorthPort.

Una at huling nakakuha ng Grand Slam ang Beermen noong 1989 sa ilalim ni coach Norman Black.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng San Miguel laban sa TNT Katropa sa kanilang title wars.

Nagawa nila ito kahit nasira ang airconditio­ning system ng Big Dome.

Bago ang laro ay lumapit si one-time PBA MVP Arwind Santos kay Best Import Terrence Jones pa­ra humi­ngi ng paumanhin ukol sa ginawa niyang pag­sa­sa­yaw na parang unggoy direkta sa dating NBA pla­yer sa 99-94 panalo ng SMC franchise sa Game Five noong nakaraang Miyerkules.

Tinanggap naman ito ni Jones.

Itinayo ng Beermen ang 14-point lead, 45-31, mula sa drive ni Chris Ross sa huling 2:49 minuto bago ang halftime.

Pinalobo pa nila ito sa 63-44 buhat sa three-point shot ni Ross sa 5:43 minuto ng third quarter.

Sa likod nina Jones at Best Player of the Confe­rence Jayson Castro ay nailapit ng Tropang Texters ang laro sa 65-74 sa pagbungad ng final canto.

Subalit alam ng San Miguel na hindi na nila puwedeng pakawalan ang pagkakataon.

Ang triple ni veteran guard Alex Cabagnot ang nagbigay sa 2017 Commissioner’s Cup champions ng 83-67 bentahe sa 8:47 minuto ng laro.

Samantala, inaprubahan naman ng PBA Commissioner’s Office ang trade sa pagitan ng Rain or Shine at Alaska.

Dinala ng Elasto Painters si Maverick Ahan­misi sa Aces kapalit ni Ping Exciminiano at isang first-round draft pick sa 2019 PBA Rookie Draft.

Nagtapos ang apat na taong paglalaro ng Fil-Am playmaker na si Ahanmisi para sa Elasto Painters.

Halos hindi naglaro si Ahanmisi sa kampanya ng Rain or Shine sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ang pagkuha naman kay Exciminiano ang nagpa­tibay sa depensa ng Elasto Painters sa kanilang backcourt kasama sina Gabe Norwood, Rey Nambatac at rookie Javee Mocon.

vuukle comment

BEERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with