Harapang tinirahan ni TNT Katropa import Ter­rence Jones si Chris McCullough ng San Mi­guel sa Game 2.
Jun Mendoza
San Miguel lusot sa Katropa para tumabla
Russell Cadayona (Pang-masa) - August 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasa­­­han, bumangon ang Beermen mula sa na­­unang kabigu­an para tumabla sa Tropang Tex­ters.

Kinailangan ng San Mi­­guel ang dalawang over­time period para lu­su­­tan ang TNT Katropa, 127-125, sa Game Two ng PBA Commissioner’s Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Rumesbak ang Beer­men mula sa naunang 96-109 pagkatalo sa Game One para itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-se­ven championship series ng Tropang Texters.

Sa likod ng 16 points, tampok dito ang 4-of-5-shooting sa three-point line, ni Terrence Romeo ay itinala ng San Mi­guel ang 56-39 abante sa TNT Katropa sa 4:18 minuto ba­go ang halftime.

Isinara ng Beermen ang first half bitbit ang 59-45 bentahe kung saan sila nagsalpak ng 11-of-17 clip sa 3-point range kum­­para sa 1-of-11 ng Tro­­pang Texters.

Ngunit hindi bumitaw ang Tropang Texters at ina­gaw ang 105-101 ka­la­mangan sa huling 54.8 segundo ng final canto.

Isinalpak naman ni Ter­rence Romeo, tumipa ng 16 points sa first half, ang isang tres sa huling 18.7 segundo para itabla ang San Miguel sa 106-106 patungo sa overtime.

Sa extra period ay ipi­nasok ni Alex Cabagnot ang kanyang layup para muling itabla ang Beermen sa Tropang Texters sa 114-114 para sa ikalawang extension.

Tumipa ng dalawang free throws si five-time PBA MVP June Mar Fajardo at ang steal at fast­break layup ni Chris Ross ang nagbigay sa San Miguel ng 126-122 ben­tahe sa 15.6 se­gundo.

Nagsalpak si Jayson Castro ng triple para idi­kit ang TNT Katropa sa 125-126 sa huling 11.7 se­gundo.

Nagkaroon pa siya ng tsansang maipanalo ang Tropang Texters kundi la­mang parehong tumalbog ang dalawa niyang tangka sa 3-point line.

Nasibak si import Terrence Jones sa huling 21 segundo ng regulation.

STEVE KERR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with