Carmelo asam bumalik sa NBA

MANILA, Philippines — Nang hindi na siya big­yan ng kontrata ng Houston Rockets ay ki­nuwestiyon ni Carmelo Anthony ang kanyang ka­kayahang patuloy na mag­laro sa NBA.

Ayon sa dating star for­ward, halos isinuko na niya ang NBA career.

“I felt like the game didn’t want me back at that point in time,” wika ni Anthony sa panayam ng ESPN.

Ngunit ngayon ay araw-araw nag-eensayo si Anthony, isang 10-time All-Star forward, sa­ka­ling may humugot sa kanyang NBA team para sa darating na season.

“I’m in the gym every single day,” ani Anthony, ang six-time All-NBA pla­­yer na huling nag­laro pa­­ra sa Rockets sa isang 10-game stint na nag­ta­pos sa 2018 season.

Walang sinisisi si An­tho­ny sa kanyang pagka­wala sa Houston.

Si Rockets general ma­­­nager Daryl Morey ang mismong nagsabing hindi na si­ya kailangan ng kopo­nan.

“That was an ego hit. That was a pride hit,” wi­ka ni Anthony. “I started questioning myself after that. Can I still do this?”

 

Show comments