Cignal, Generika ayaw paawat
(Pang-masa) - August 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa pakay ng Cignal HD Spikers at Generika-Ayala Lifesavers na masundutan ang tagumpay nito sa paghaharap nila ngayon bandang alas-6 ng gabi sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Caloocan Sports Complex.

Bibitbitin ng HD Spikers ang momentum nito sa four-set victory sa Foton Tornadoes Blue Energy, 25-23, 21-25, 25-14, 25-14 noong Huwebes.

Para kay HD Spikers coach Edgar Barroga, pinaghandaan nila ang larong ito gaya ng ginawa nilang paghahanda sa Foton, na naging pabor ang resulta nito sa kanila.

“Paghahandaan na namin sila ngayon gaya ng paghahanda namin sa Foton. ‘Yun nakita na namin ‘yung diperensya namin last time doon sa Silay [Negros Occidental], siguro magwowork-hard kami doon [at] papraktisin namin kung anong dapat namin gawin,” sabi ni Barroga.

Muling aasahan ni Barroga ang dynamic duo nito na sina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga kasama sina Alohi Robins-Hardy at ang isa pang kaliwete na si Mylene Paat.

Para naman sa Lifesavers, mahalaga ang laban na ito sa Cignal dahil may tsansa na sila manakaw ang third spot sa standing mula sa Foton.

Parehong 7-5  baraha ang hawak ng Generika-Ayala at Foton at kung malulusutan ng Lifesavers ang Cignal aangat ito, hawak ang 8-5 karta.

“Mahalaga ‘yung game namin sa Cignal kasi palagay ko doon magba-base ‘yung number three pero sabi nga namin bago natin isipin ‘yung standing, isipin muna natin ‘yung team na rin kasi sobrang malaking adjustment ‘yung gagawin pagka nawala si [Angeli] Araneta,” sabi ni Generika-Ayala coach Sherwin Meneses.

Ibabandera muli ng Lifesavers ang core nito sa pangunguna nina Fiola Ceballos, Patty Orendain, Ria Meneses, Jaime Lavitoria at Kath Arado.

Kung hindi magbabago ang puwesto ng dalawang tropa ay sila rin ang maghaharap sa quarterfinals matapos ang classification round dahil sa pairing nito na rank 1 vs. 8, 2 vs. 7, 3 vs. 6 at 4 vs. 5.

Sisimulan ang double-header match na ito ng laro sa pagitan ng Marinerang Pilipina Lady Skippers at PLDT Home Fibr Power Hitters bandang alas-4:15 ng hapon. Fergus E. Josue, Jr.

CIGNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with