^

PM Sports

Power Hitters pinadapa ang SLR Lady Realtors

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Power Hitters pinadapa ang SLR Lady Realtors
Hindi napigilan ni Grethcel Soltones ng PLDT ang hataw ni Amy Ahomiro ng Sta. Lucia.

MANILA, Philippines — Bumida si Aiko Urdas para tulungan ang PLDT Home Fibr na tul­­dukan ang five-game lo­­sing slump sa bisa ng 20-25, 25-22, 27-25, 25-18 pagpa­pa­tumba sa Sta. Lucia sa Philippine Su­perliga All-Filipino Con­ference ka­hapon sa Mun­tinlupa Sports Center.

Nagrehistro si Urdas ng 20 points sa likod ng 20 attacks, at 12 excellent digs para sa ikatlong pa­nalo ng Power Hitters sa siyam na asignatura sa ilalim ng Cignal HD Spi­kers.

“Sa depensa, iyon ta­laga ‘yung pinakaimpor­tan­teng pina-practice na­­min noong nakaraang araw kasi ‘yun ang wala sa amin. Medyo nagkaka­gu­lo kami sa loob ng court,” sabi ni Urdas.

Ipinagpag ng PLDT ang mabagal nilang si­mula bago umariba pag­pasok ng second set ka­sabay ng pagpaparamdam ni Urdas na nagdala sa kanila sa 24-21 na bentahe laban sa Sta. Lucia ba­go tuluyang selyuhan ang panalo.

Kontrolado ng Power Hitters ang third set at ipi­noste ang 14-7 na bentahe bago nakabangon ang Lady Realtors at itinab­la sa 25-25 ang laban sa li­kod ni Pam Lastimosa.

Ngunit nakatakas pa rin ang PLDT at inangkin ang 2-1 set advantage laban sa Sta. Lucia.

Umariba nang husto si Urdas para sa Power Hitters sa fourth set na nag­pahirap sa depensa ng Lady Realtors.

Patuloy ang pagbagsak ng Lady Realtors sa nalasap na ika-10 sunod na kamalasan.

vuukle comment

PHILIPPINE SU­PERLIGA ALL-FILIPINO CON­FERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with