^

PM Sports

2-sunod na panalo sa Pasig

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinoste ng Pasig ang ikalawang sunod na panalo sa MPBL Lakan Season noong Lunes ng gabi matapos ang 78-72 win sa Rizal sa Pasig Sports Arena.

Muling nanguna si Robbie Manalang sa kanyang 18 points habang kinulang si Richard Velchez ng isang rebound para maka-double-double sa kanyang 11 points at nine boards nang kanilang ihatid ang Realtors sa ikatlong panalo sa limang laro para umangat sa fifth spot ng northern division standings.

Tumapos din ng double figure sina Argel Mendoza na may 13 markers, 11 si Josan Nimes at 10 kay Jeric Teng para sa Realtors na nakakuha rin ng game-high na 17 rebounds kay Jeric Serrano.

Nauna rito, pinasadsad ng Mindoro ang Cebu, 94-73 para sa kanilang ikalawang panalo sa kabuuang limang laro.

Nagtala si Rodel Vaygan ng career-high 30 points para sa Tamaraws na may 14 markers mula kay ex-pro Mac Baracael at tig-10 points mula kina Sandy Ceñal at Kim Cinco.

Ito ang unang panalo sa MPBL ni coach/team owner Justin Tan matapos nilang limitahan ang pam­bato ng Cebu na si Patrick Cabahug sa anim na puntos.

vuukle comment

MPBL LAKAN SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with