^

PM Sports

Coaches Summit ng SBP tagumpay

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tagumpay ang idinaos na 2019 Samahang Basketbol ng Pilipinas Coaches’ Summit kamakalawa sa Meralco Fitness Center sa Ortigas, Pasig City.

Daan-daang coaches sa buong bansa ang nakilahok sa dalawang araw na kombensyon ng SBP na siyang pangunahing basketball governing body sa Pilipinas.

Nanguna sa summit ang SBP President na si Al Panlilio, SBP Coaches’ Academy Head at batikang PBA mentor na si Jong Uichico gayundin ang FIBA official na si David Crocker.

Nagsilbi ring speakers sa naturang pagpupulong si Gilas Pilipinas at NLEX head coach Yeng Guiao, JRU mentor at Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP) President Louie Gonzales gayundin si coach Eric Altamirano na project director ng National Basketball Training Center (NBTC) at Commissioner ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3.

Guest mentors naman sa mga local coaches ang international tacticians na sina James Cotter ng NBA G-League team na Capital City Go-Go at Dean Vicker-man ng NBL champion team na Melbourne United.

Nagtalakay ng iba’t ibang coaching strategies at principles ang mga kilalang coaches na malaking tulong sa local coaches sa misyong lalong mapaghusay ang mga manlalaro sa lahat ng panig ng Pilipinas.

Tinalakay ni Guiao ang paksang ‘How to win with lesser talent’ bilang kanyang trademark sa PBA na nagagawa paring mapagkampeon ang mga ‘di ganoon ka-star studded na koponan tulad ng nagawa niya sa mga dating koponan na Red Bull at Rain or Shine.

Binahagi naman ni Altamirano, dating UP Maroons standout at NU Bullpups head coach sa UAAP kung paano alagaan ang mga estudyanteng atleta sa paksang ‘Managing student athletes’.

vuukle comment

2019 SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS COACHES SUMMIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with