San Beda, Letran wagi
Francisco Cagape (Pang-masa) - July 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inilampaso ng three-peat champion na San Beda Red Lions ang Jose Rizal Heavy Bombers, 74-52, nasungkit naman ng Letran Knights ang unang panalo matapos gapiin ang Arellano Chiefs, 81-72 kahapon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Kahit umiskor lamang ng limang puntos si Evan Nelle, umani naman siya ng 14 assists kabilang na ang importanteng play para kay Calvin Oftana at James Canlas tungo sa ikalawang sunod na panalo ng Red Lions.

“We thought na ‘yung 11 assists niya (sa halftime), magiging record-breaking na, but we missed shots noong second half,” sabi ni SBU head coach Boyet Fernandez.

Tumapos ng 17 puntos si Canlas na may kasamang walong rebounds habang si Oftana ay tumulong din ng 17 puntos at 10 rebounds upang manatili ang Mendiola-based team sa top spot ng standing.

“Bad game for me e. Honestly, hindi ako maka-shoot so nag-create na lang ako para sa teammates ko kasi sila, nakaka-shoot,” sabi ni Nelle na muntik ng mapanta-yan ang league record na 16 assists ni Jio Jalalon ng Arellano noong 2015.

Sa ikalawang laro, nagposte si Jerric Balan-za ng career-high na 31 puntos kabilang na ang 13 sa fourth period para pumasok ang Knights sa win-column at makaba-ngon sa kanilang 80-84 pagkatalo sa Lyceum Pirates noong Linggo.

“Actually, everyone stepped up sa second half. We’re just happy to win this game. Jerric (Balanza) is an experienced player and he just knows how to make plays down-the-stretch,” ayon naman sa bagong Letran head coach Bonnie Tan sa kanyang unang panalo sa NCAA.

SAN BEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with