Morales nangunguna sa mga horse owners
Nilda Moreno (Pang-masa) - July 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naglabas ang Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ng record sa “Top 10 owners based on wins and pla­cing” para sa buwan ng Hunyo.

Nangunguna si Narciso Morales na may 17 wina , 33 na second place finish, 26 na third at 23 na fourth, sumunod si LM Javier Jr. na nakapagtala ng 9W, 2S, 4T at 8F habang pangat­lo si JAC Dichaves, (8W,3S,2T,2F).

Ayon sa tiyempistang madalas nanonood ng ensayo ng mga kabayo sa pista na si Chris Tolentino, walang dudang si Morales ang mangi­ngibabaw dahil sa rami ng kanyang pangkarerang kabayo.

“Araw-araw may mga kabayo siyang tumatakbo, kahit saang karerahan kaya si Morales talaga ang mamamayagpag sa ganyan,” ani Tolentino. Minsan sa isang race, tatlo  ang kanya doon,”

Si Edward Diokno na may-ari ng 1st Leg Triple Crown winner Real Gold ay nasa seventh place, ay may limang panalo, tatlong segundo, at tigalawang thrid at fourth.

Ang ibang umentra sa top 10 ay sina MC Habla, (fourth), NM Magno, (fifth), BU Tecson, (sixth), MB Villasenor, (eighth), PML Trading, (ninth) at BC Abalos Jr. (10th).

Samantala, mula Ene­ro hanggang Hunyo, ay si Morales pa rin ang nangunguna na may 144-1st, 191-2nd, 147-3rd at 163-4th nasa pangalawa si LM Javier Jr. na may 37W, 40S, 27T at 26F habang pangatlo si BU Tecson, (36W, 19S, 26T, 15F).

Naka puwesto sa pang-apat si EVM Diokno na kumolekta ng 26 na panalo, 13-2nd, 15-3rd at pitong 4th.

 

MORALES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with