Sweep ng ex-Beermen
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinataob ng San Miguel ang Ginebra upang makumpleto ang pagwalis sa elimination round habang pinanatiling walang panalo ng Alaska ang kulelat na Purefoods sa umaatikabong UNTV Cup PBA Le-gends Faceoff tournament kamakalawa ng gabi sa Pasig Sports Center.

Umiskor ng 135-107 panalo ang Beermen kontra sa Gin Kings habang dinomina rin ng Milkmen ang Hotdogs, 92-70 upang magtapos sa primera at segunda puwesto ng charity tournament ng mga PBA Legends.

Bumida para sa SMB ang 1990 MVP na si Allan Caidic matapos magliyab sa siyam na tres tungo sa 32 puntos.

Sa unang pagkakataon naman ay naglaro na si Danny Seigle para sa Beermen na nagtala ng 14 puntos upang suportahan si ‘The Triggerman’ Caidic.

Solido rin ang 18 at 17 puntos na ambag nina Kiko Adriano at Chris Calaguio gayundin ang 13 at 12 puntos nina Nic Belasco at Danny Ildefonso, ayon sa pagkakasunod.

Matapos ang 88-68 at 76-61 panalo kontra sa Purefoods at Alaska, ayon sa pagkakasunod, may 3-0 baraha na ang Beermen upang magtapos sa no.1 spot papasok sa playoffs ng four-team tournament na inor-ganisa ng PBA Legends Foundation at UNTV Cup para sa nangangailangang retired PBA players.

Tanging si Vince Hizon lang na may 41 puntos ang nakapagpasiklab para sa Ginebra na nagkasya sa ikatlong puwesto hawak ang 1-2 kartada.

Nasiguro naman ng Milkmen ang no.2 spot sa pangunguna ni Johnny Abarrientos sa kanilang 92-70 tagumpay kontra walang panalo na Hotdogs.

Nagposte si 1996 MVP Abarrientos ng pambihirang 25 puntos at 16 assists upang tulungan ang Alaska na magtapos sa 2-1 baraha.

Sumuporta naman sa kanya sina Bong Hawkins, Willie Miller at Jeff Cariaso na may 15, 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabilang banda, nagtala naman ng 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod sina Glenn Capacio at four-time MVP na si Alvin Patrimonio, ayon sa pagkakasunod, para sa Hotdogs na kulelat sa 0-3 baraha.

UNTV CUP PBA LE-GENDS FACEOFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with