^

PM Sports

Ika-2 panalo target ng F2 Logistics

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng F2 Logistics na masungkit ang ikala-wang sunod na panalo sa pagsagupa nito sa PLDT Home Fibr sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Cargo Movers at Power Hitters sa alas-7 ng gabi habang magtatagpo naman ang Generika-Ayala at Marinerang Pilipina sa alas-2 ng hapon kasunod ang duwelo ng Foton at Sta. Lucia Realty sa alas-4:15.

Hindi nasilayan sa aksiyon si Filipino-American Kalei Mau sa 25-12, 25-21, 25-17 panalo ng Cargo Movers sa Lifesavers noong Sabado.

Ngunit hindi ito naging problema para kay Cargo Movers head coach Ramil de Jesus dahil malalim ang lineup nito.

Nakabalik na si Kim Kianna Dy na galing sa injury habang nariyan pa rin sina Aby Marano, Majoy Baron, Ara Galang at Dawn Macandili para manduhan ang F2 Logistics.

Bukod pa ang pagbabalik ng mga La Salle players gaya nina playmaker Michelle Cobb, Desiree Cheng, Tin Tiamzon at Aduke Ogunsanya.

“Having my players from La Salle and with Kianna returning is a big help. At least now I can rotate a lot of players,” ani De Jesus.

Mapapalaban ang Cargo Movers dahil galing sa magandang experience ang Power Hitters sa isang pocket tournament sa Perth, Australia.

Mangunguna sa atake ng PLDT Home Fibr sina Gretchel Soltones, Aiko Urdas, Jasmine Nabor at Je-rili Malabanan habang hahawakan ang tropa ni ve-teran coach Roger Gorayeb.

Sa kabilang banda, makikita na ang solidong lineup ng Foton sa pangunguna nina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat na parehong galing sa abroad matapos maglaro sa Japan Volleyball League.

vuukle comment

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with