May bagong import ang Meralco Bolts
(Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bagong import sa katauhan ni Jimmie Taylor ang ipaparada ng Meralco Bolts sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos madale ng hamstring injury ang original import nitong si Gani Lawal ayon kay head coach Norman Black.

“Our import, Gani Lawal, has been bothered by a hamstring injury lately so we have placed him in the injured list and we have brought in a new import by the name of Jimmie Taylor,” aniya. “Jimmie will play versus TNT. He is a defensive presence in the paint area.”

Produkto ng Alabama Crimson Tide, inaasahang magiging malaki ang tulong ng 6’9 na si Taylor lalo’t ito ang ikaanim sa may pinakamaraming supalpal, (205 blocks in 133 games) sa kasaysayan ng unibersidad.

Bagama’t naging undrafted siya noong 2017 sa NBA Draft, nagpasiklab si Taylor sa NBA G-League para sa Sioux Falls Skyforce.

Naglaro na rin siya sa Greece gayundin sa Poland kung saan nagrehistro siya ng 10.75 puntos, 8.38 rebounds at 1.38 blocks para sa koponang Spojnia Spargard.

May 3-3 kartada ngayon ang Bolts na pinangunahan ni Lawal sa likod ng kanyang halimaw na double-double ave-rage na 28.5 puntos at 22.0 rebounds.

Maiiwan sa kamay ni Taylor ngayon ang misyong mabuhat ang Bolts kontra sa mainit na Talk ‘N Text sa alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

MERALCO BOLTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with