Parks nagpasiklab agad
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - May 21, 2019 - 12:00am

Worth the wait.

Ito ang malamang na buntong hininga ni Blackwater Elite team owner Dioceldo Sy matapos ma­pa­nood ang unang game ni Bobby Ray Parks, Jr. sa pagsisimula ng PBA Commissioner’s Cup noong nakaraang gabi.

Hindi kaagad nakalaro si Parks sa PBA Season 44 dahil kinailangan pa niyang tapusin ang kanyang commitment sa San Miguel Alab team sa ABL.

Finally, nag-debut na si Parks sa Blackwater sa unang arangkada ng PBA mid-season tourney, at agad nagbigay ng magandang impresyon sa ka­nilang 94-91 overtime win kontra sa Meralco.

Ginamit siya nang halos walang pahinga ni roo­kie coach Aris Dimaunahan, at ipinakita ni Parks na ready siyang mag-take charge sa pagkamada ng 20 points mula sa 6-of-19 field clip at 7-of-9 free throws.

Humatak din siya ng eight rebounds, three steals, two assists at one block.

Ang bahid sa kanyang PBA debut ay eight turnovers.

Ang pagbitaw niya ng 19 field attempts ay sen­yales na handa niyang pangunahan ang atake ng Blackwater – bagay naman na nakita na sa kanya sa kanyang paglalaro sa NU Bulldogs at Alab Pilipinas.

Beteranung-beterano ang kilos ni Parks, at ma­lamang na malaking sigla ang maibibigay niya sa kampanya ng Blackwater kasama ang dambuhalang import na si Alex Stepheson.

Kung aabot sa minimum requirement na laro sa season, malamang na lumalim pa ang labanan sa Ro­o­kie of the Year award.

Sa pagtatapos ng 2019 Philippine Cup, three-way rumble sa pagitan nina CJ Perez, Javee Mocon at Robert Bolick ang labanan para sa top rookie hon­ors.

Sa kanyang unang laro sa import-laden confe­rence noong nakaraang gabi, magandang numero pa rin ang tinikada ni Perez – 19 points at six rebounds.

And siste nga lamang ay binitawan ng Columbian Dyip ang control ng laro sa second half at tuluyang nadapa sa 98-111 pagkatalo sa Alaska Milk.

BOBBY RAY PARKS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with