Lady Eagles aasa kay Tolentino
Francisco Cagape (Pang-masa) - May 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos masungkit ang kanilang ikatlong titulo, hangad ngayon ni coach Oliver Almadro na maglaro pa rin ang 6’1 hitter na si Kat Tolentino para sa Ateneo Lady Eagles sa Season 82 UAAP women’s volleyball tournament.

Nagwagi ang Lady Eagles kontra sa University of Santo Tomas Tigresses, 2-1 sa best-of-three women’s Finals ng UAAP Season 81 noong Sabado kung saan umani si Tolentino ng 15 puntos kabilang na ang 11 sa atake, dalawang blocks at dalawang aces.

Sinabi ng 23-anyos na si Tolentino na pag-iisipan pa niya kung maglalaro pa ba sa huli niyang taon para sa pag-depensa sa titulo kaya tiwala si Almadro na muling babalik sa susunod na taon ang Fil-Canadian na napiling Season 81 Best Opposite hitter.

 “I’m praying for Kat (Tolentino) to discern well. Hindi pa kami umaabot sa semifinals, I confessed to Kat na I’m really praying for her na magkakaroon siya ng right discernment.”

Mawawala na sa koponan ang tatlong graduating  players na sina Maddie Madayag, Bea De Leon at libero Kim Gequillana kaya kailangan ni Almadro si Tolentino para mapanatili ang korona sa Katipunan-based team saa Season 82.

Makakasama pa rin ni Tolentino sina setters Deanna Wong at Jaja Maraguinot, libero Dani Ravena, Jules Samonte, Vanessa Gandler, Ponggay Gaston, Bea-triz Raagas, Candice Gequillana, Jaycel De Los Reyes ar Ayumi Farukawa.

Sa panig naman ng Tigresses, kahit bigo, nangako ang 2019 Rookie of the Year na si Eya Laure na babawi sila sa susunod na taon kasama ang kanyang nakakatandang kapatid na si EJ.

“Babawi kami. Kasama ko na ang Ate EJ ko next year. Babawi kami,” sabi ng 19-anyos na si Laure.

Nagpahayag naman ng kanyang intensiyon sa muling pagbabalik para sa España-based Tigresses ang 21-anyos na si EJ Laure na nahirang din bilang Rookie of the Year noong Season 77.

 “Hopefully next year (makabalik ako). Hopefully sana,” ayon kay  EJ na hindi nakapaglaro sa taong ito dahil sa shoulder injury.

LADY EAGLES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with