Bucks 2-0 na

MILWAUKEE — Kumolekta si Giannis Anteto-kounmpo ng 30 points at 17 rebounds habang nagdagdag si Ersan Ilyasova ng 17 points mula sa bench para pagbidahan ang 125-103 pagbugbog ng Bucks sa Toronto Raptors sa Game Two at kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang Eastern Conference finals.

Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Milwaukee para sa una nilang NBA Finals matapos ang 45 taon.

Umiskor si Antetokounmpo ng 11 points sa fourth period para sa Bucks, may anim na players na tumapos sa double figures.

“When the game started, we did a great job setting the tone,” wika ni Antetokounmpo.

Nag-ambag si Nikola Mirotic ng 15 markers kasunod ang 14, 13 at 12 points nina Malcolm Brogdon, George Hill at Khris Middleton, ayon sa pagkakasunod.

Pinangunahan naman ni Kawhi Leonard ang Raptors  sa kanyang 31 points kasunod ang 15 at 14 markers nina Kyle Lowry at Norman Powell, ayon sa pagkakasunod.

“We get to go back home and protect our home court, like they did these last two games,” sabi ni Lowry. “We’ve got a chance to go home, protect home court and do what we’re supposed to do.”

Ang Bucks, may NBA best record na 60-22 sa regular season, ang na-ging ika-16 koponan na sinimulan ang playoff run na naglista ng 10-panalo sa 11-laro.

Tanging ang 1989 Los Angeles Lakers, 2001 Lakers at 2017 Golden State Warriors ang nagbukas ng postseason na nakasakay sa 11-0 winning streak.

 

Show comments