Manny Pacquiao
Pacquiao plantsado na ang laban kay Thurman
Chris Co (Pang-masa) - May 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasado na ang bakbakan nina Filipino eight-division world champion Manny Pacquiao at undefeated American fighter Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila).

Mismong ang reigning World Boxing Association (WBA) regular welterweight champion na si Pacquiao ang nag-anunsiyo ng laban sa kanyang Twitter at Instagram account kahapon.

“Summer just got a little hotter,” ayon sa post ni Pacquiao kasama ng promotional poster ng laban.

Naglabas na rin ng statement ang promoters ng event para siguruhing tuloy na tuloy na ang Pacquiao-Thurman match.

“In the biggest night of boxing this year, bo­xing’s only eight-division world champion, Senator Manny ‘Pac Man’ Pacquiao, will take on undefeated WBA Welterweight World Champion Keith ‘One Time’ Thurman on Saturday, July 20 in a blockbuster showdown that headlines a Premier Boxing Champions on FOX Sports Pay-Per-View event,” ayon sa statement.

Huling sumabak si Pacquiao noong Enero nang itarak nito ang unanimous decision win laban kay Adrien Broner sa MGM Grand Garen Arena sa Las Vegas, Nevada.

Pinatunayan ni Pacquiao na may ibubuga pa siya at handang labanan ang sinumang iharap sa kanya – maging si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.

“I really don’t believe my career is over. I proved it in my last fight against (Lucas) Matthysee. And now I prove it again at the age of 40,” ani Pacquiao matapos ang laban kay Broner.

Inaasahang sisimulan na ni Pacquiao ang kanyang paghahanda anumang araw sa buwan na ito dahil 10 linggo na lamang ang nalalabi bago ang nakatakdang laban kay Thurman.

Handa rin si Thurman na makaharap si Pacquiao saan man nito nais ganapin ang laban.

“Maybe Brooklyn, maybe Vegas, wherever Manny Pacquiao wants it. I’d even fight him in the Philippines if I have to,” ani Thurman sa kanyang pakikipagtuos kay ‘Pacman’.

Matapos ang dalawang taong pahinga ay nagbalik-aksyon si Thurman noong Enero kung saan tinalo niya si Josesito Lopez via 12-round majo­rity decision upang matagumpay na maipagtanggol ang WBA super welterweight belt at umangat sa 29-0 ang kanyang rekord.

PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with