Twice-to-beat tangka ng Ateneo
Francisco Cagape (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tangka ng Ateneo Lady Eagles ang unang twice-to-beat edge sa pagharap sa Adamson Lady Falcons at asam din ng DLSU Lady Spikers na magwagi laban sa UE Lady Warriors para lumapit sa semis bonus sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP Volleyball Tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Lady Eagles ang Lady Falcons sa alas-4 ng hapon pagkatapos sa laro ng Lady Spikers at Lady Warriors sa alas-2 ng hapon habang magtatagpo naman ang NU Bulldogs (11-1) at UP Fighting Maroons (1-11) sa alas-8 ng umaga at ang FEU Tamaraws (10-2) laban sa DLSU Green Spikers (4-8) sa alas-10 ng umaga sa men’s division.

Sa huling tatlong playing dates, pinag-aagawan ang twice-to-beat advantage sa Final Four ng Ateneo (10-2), De La Salle (9-3) at UST Tigresses (9-4) kaya inaasahan pa rin ang magandang laban hanggang sa huling araw ng elimination sa Abril 28.

Ang ika-apat na koponan na pumasok sa Final Four ay ang FEU Lady Tamaraws (8-5) habang tanggal na ang UP Lady Maroons  (6-7), NU Lady Bulldogs (4-9), UE Lady Warriors (3-9) at Adamson Lady Falcons (1-11) kaya ang huli nilang mga laro ay hindi na makaka-apekto sa semifinal casts.

Kahit pa hawak ang top spot, kailangan ng Lady Eagles na mananalo ng isa sa huling dalawang laro para sa posibleng sosyohan sa liderato kasama ang DLSU sa parehong 11-3 record at angkinin ang isa sa dalawang semis bonus.

Pero kung matatalo ang Ateneo sa huling dalawang laro kabilang na sa UE sa Abril 28, posible ang three-way tie sa top spot kasama ang UST at DLSU kung mahuhulugan rin ang Taft-based Lady Spikers ng isa sa huling dalawang laro.

UAAP VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with