Hotshots vs Painters: Sinong lalamang? Puro na ang Beermen
Russell Cadayona (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tila napagod na ang Phoenix sa pamimisikal sa nagdedepensang San Miguel.

Kumamada ang Beermen sa second half para talunin ang Fuel Masters, 114-91 sa  Game Four ng kanilang semifinals showdown sa 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ipinoste ng San Miguel, nakalasap ng 90-92 pagkatalo sa Game Three, ang 3-1 bentahe sa kanilang best-of-seven semis duel ng Phoenix.

Ang panalo ng Beermen laban sa Fuel Masters sa Game Five bukas ang magpapasok sa kanila sa pang ika-41 Finals stint para puntiryahin ang pang-26 titulo.

Matapos kunin ang seven-point lead, 27-20, sa first period ay itinayo ng San Miguel ang 17-point lead, 68-51 sa third period hanggang ibaon ang Phoenix sa 89-62 mula sa three-point shot ni Terrence Romeo sa huling 35 segundo nito.

Samantala, sa isang best-of-seven series ay napakahalagang makuha ang 3-2 bentahe kaya idineklara ni Rain or Shine coach Caloy Garcia na mas magiging pisikal sila sa pagsagupa sa Magnolia sa Game Five ng kanilang semifinals duel ngayong alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Probably coming Game 5, we’ll be more physical,” ani Garcia, pinatalsik sa huling 1:43 minuto ng third period dahil sa kanyang ikalawang technical foul sa 91-94 kabiguan ng Elasto Painters sa Hotshots sa game Four kamakalawa ng gabi.

Ang pagkakasibak kay Garcia ang nagpainit sa Rain or Shine para makabangon mula sa 21-point deficit at makalapit sa Magnolia sa 91-92 agwat sa dulo ng fourth quarter.

Matapos ang dalawang free throws ni Jio Jalalon sa huling 3.1 segundo para sa 94-91 bentahe ng Hotshots ay naimintis naman ni two-time PBA MVP James Yap ang kanyang tangka sa three-point line sa huling posesyon ng Elasto Painters.

“We just only tied the series. It boils down to a Best-of-Three,” sabi ni Magnolia mentor Chito Victolero.

Inamin naman ni Rain or Shine veteran guard Gabe Norwood na masyado silang tumutok sa officiating kesa sa kanilang paglalaro.

“I thought our team kinda lost our composure and emotions got the best of us,” wika ni Norwood na natawagan din ng technical foul.

Samantala, pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office si Phoenix back-up center Dave Marcelo ng P20,000 dahil sa Flagrant Foul Penalty 2 laban kay San Miguel forward Christian Standhardinger sa Game Three.

PBA SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with